Ang Pananampalataya at Gawa

Paano ipapaliwanag ang sinasabi sa Roma 3:22-26 na ang tao ay mapapawalang sala sa pamamagitan ng pananampalatya lamang kay Kristo Hesus at ang sinasabi naman ng Santiago 2:14-26 na hindi lamang sa pananampalataya kundi sa kanyang ginawa? 

      Upang maintindihan ang binabanggit na mukhang magkasalungat na pahayag dapat munang isaalang-alang at paniwalaan na ang dalawang aklat ay Salita ng Diyos, at ang sinasabi Niya ay di kailanman may salungatan sapagkat iisa lang ang may-akda, ang Banal na Espiritu. Ang ating limitado na pag-iisip ang may deperensya at di ang Kanyang Salita. Dapat maunawaan at tanggap natin ang mga ito.  Kailangan maunawaan natin ang isyu na pinag-uusapan, at ang pag-unawa sa pananampalataya.


Ang Isyu

      Sa aklat ng Roma mapapansin natin ang diin ni Pablo na ang pagsunod sa batas ng Diyos ay di magdudulot ng katuwiran na magpapawalang-sala at tanging ito ay matatagpuaan lamang kay Hesus. At sa pamamagitan ng pananampaltaya kay Hesus ang tao ay magkakaroon ng katuwiran na magpapawalang-sala upang sa kanyang kaligtasan. Ang isyu ay may mga nagkakalat na miyembro ng sinagoga ng mga Hudyo na kailangan sundin ang batas ni Moises upang maging ganap para sa kaligtasan (Mga Gawa 15:5). Sila ay tinatawag na LEGALIST. Ating dapat na maintindihan na walang kinalaman ang mabuting gawa sa kaligtasan. Tanging ang pananampalataya lamang ang makakapagpawalang-sala sa tao.

     Sa aklat naman ng Santiago ay may mga naghahayag naman na hindi na dapat sumunod sa batas sapagkat hindi naman ito ang magpapawalang-sala kundi ang pananampalataya kay Kristo lamang. Ang mga taong ito ay mga ANTINOMIANIST na kahit walang nais na sumunod sa batas ng Diyos ay may kaligtasan pa rin. Dapat nating tandaan na iniligtas ng Diyos ang tao upang sumunod sa Kanya (Ezekiel 36:27, Mateo 5:16 at Efeso 2:10).

      Isa pa na isyu na dapat natin maintindihan na sa Roma ang pinatutungkulan ay Tunay na Kaligtasan. Pananampalatya ba o Gawa ang makapagbibigay ng kaligtasan?  At sa aklat ng Santiago naman ay Tunay na Pananampalataya. Ano ang karakter ng isang tunay na pananampalataya? Paano malalaman na buhay na pananampalataya  patay na pananampalataya? Ang Roma ay nakapokus sa  kaligtasan at sa Santiago naman ay uri ng pananampalataya.


Ang Pananampalataya

      Ang pananampalataya ay ipinagkaloob ng Diyos hindi upang makilala si Hesus lamang kundi mamuhay din sa Kanya. Ito ay di patay na pananampalataya gaya ng mga demonyo na nananampalataya din sa Diyos ngunit walang pagsunod o walang mabuting gagawin na magbibigay kaluguran sa Diyos. Sa Hebreo 11:6 sinasabi na imposibleng malugod ang Diyos kung walang pananampalataya. Paano malulugod ang Diyos sa pananampalataya na namumuhi at rebelde sa Kanya gaya ng mga demonyo (Santiago 2:19).

      Kung ating bibigyan ng konklysyon ang pananampalataya na binabanggit ni Pablo na magpapawalang-sala ay may karakter na nagpapasailalim sa kapangyarihan ng Diyos. Maraming gumagawa ng mabuti sa mundo at kung ito ang magiging sukatan ng kaligtasan ang mga Buddhist ay nararapat na maligtas kahit di kinikilalanag Diyos si Hesus at mga muslim na di kinikilala si Hesus bilang Diyos. At ito naman ay sumasalungat sa Gawa 4:12 na walang ibang pangalan na makapagliligtas kundi ang pangalang Hesus. Dapat tayong magpagpasalamat sa Diyos dahil ang aklat ng Santiago ay nagbibigay ng kaalaman at karunungan patungkol sa tunay na pananampalataya. Ang dalawang aklat na ito ay hindi nagbabangga sa doktrina kundi nagtutulungan upang makapagbigay ng sapat na karunungan sa tunay na kaligtasan ng tao. Sa Roma paano magkakaroon ng buhay na walang hanggan at ang sagot ay sa pananampalataya. Sa Santiago naman ay paano malalaman na tunay na pananampalataya. At ang sagot kung mayroong pagsunod sa Utos ng Diyos na siya ring tinuturing na gawa.

    

-jhun balanon-

FOR GOD'S GLORY

04/27/10


Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

PAUNANG SALITA

Ang pagsasaling ito sa wikang Pilipino ng 1689 na Pagpapahayag ng Pananampalataya ay nagsimula noong 1989. Ang taong 1989 ang ika-300 anibersaryo ng Pagpapahayag (Confession). Muling natuklasan ng dumaraming bilang ng mga iglesiang Baptist sa Pilipinas ang Pagpapahayag at pinaniniwalaan ang mga doktrinang noong una pa ay pinanghahawakan na ng maraming Baptist sa Britanya at sa Estados Unidos. Napagpasiyahan na ang pagsasalin ng Pagpapahayag ay makatutulong sa tunay na pangangailangan ng mga iglesiang Baptist at ng mga iba pa.

Isang lupon ng tagapagsalin ang itinatag na binubuo nina Arnel Cajayon, Brian at Necy Ellis, Noel Espinosa, Rene Maramara at Pacita Seveses. Sila ang mga kinatawan ng limang iglesia na nanghahawak sa mga doktrinang ipinahahayag sa 1689 Pagpapahayag.

Ang Pagpapahayag ay unang isinalin ni Dan Esplana na taga-Daet. Ang saling ito ay hindi gaanong nagamit ng mga tagapagsalin sa dahilang ito ay malimit na napaka-literal at napakalalim ng Tagalog. Gayon man ay ibinigay niya ang pahintulot na ito ay baguhin. Si Arnel Cajayon at ang ilan sa mga miembro ng kaniyang iglesia ay nagsalin din ng unang sampung kabanata at ang saling ito ang naging batayan ng unang sampung kabanata nito.

Ang lupon ay nagtipon minsan sa isang buwan nguni't ang pagsasalin ay naging napakabagal. Dahil diyan, noong Enero 1991 isang maliit na grupo mula sa Cubao Reformed Baptist Church na binubuo nina Avin Castillo at Brian at Necy Ellis ang nagsimulang magtipon linggu-linggo at natapos ang pagsasalin noong Mayo 1991. Ang saling ito ay ipinadala sa dating lupon ng tagapagsalin at sa ilang iglesiang nanghahawak din sa pagpapahayag na ito upang kanilang mapagbalik-aralan, mabigyan ng mga mungkahi at pagpuna. Sa kahuli-hulihan, noong Junyo 1991, itinakda at isinaayos na magtipon sa Los Ba�os ang mga kinatawan ng siyam na iglesia at doon pinagkaisahang pagtibayin ang salin sa wikang Pilipino ng Pagpapahayag.

Ang Pagpapahayag na ito sa wikang Pilipino ay inihahandog sa inyo na kalakip ang maraming panalangin na gagamitin ito ng Diyos sa Pilipinas sa pagpapatibay ng Kaniyang Iglesia at sa paglago ng katotohanang ipinahahayag sa atin sa Banal na Kasulatan.

Nais ipabatid ng mga manlilibag ang kanilang taus-pusong pasasalamat sa bawa't isa na tumulong sa pagsasalin nito at sa mga iba pa. Purihin nawa ang Diyos.

 


 

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Si Professor John Murray, itinuturing ng marami na isa sa pinakadakilang teologo ng ating siglo, ay nagwika, "Ang presensiya ng Diyos ay laging kasama ng iglesia sa lahat ng mga salinlahi nito. Siya ang nagkaloob sa Iglesia ng kakayahan ng pang-unawa at pamimigkas. Ang walang humpay na gawaing ito ng Banal na Espiritu ang siyang dahilan ng patuloy na pagsulong sa lahat ng mga siglo ng tinatawag nating Doktrinang Cristiano."

Ang tinutukoy dito ni Professor Murray ay ang patuloy na pag-aaral sa Salita ng Diyos ng mga nauna at kasalukuyang mana-nampalataya. Ang pag-aaral na ito ay nagsasaysay ng iba't-ibang paraan ng paglalahad ng paniniwala sa katuruan ng Bibliya. Karaniwang inilalahad ng lupon ng mga mananampalataya ang kanilang paniniwala sa mga dokumento ng pagpapahayag (Confessional documents), na may pag-asa na ito ay magbubunga ng gayon ding paniniwala sa mga susunod na salinlahi. Sa kasaysayang Cristiano, ilan sa mga dokumentong ito ang lubhang naging maimpluensiya sa paghubog ng paniniwala ng mga Cristiano sa mga sumunod na panahon at siglo. At isang kamangmangan sa mga nag-aaral ng Doktrinang Cristiano na kaligtaang saliksikin ang karunungang tumatahan sa mga nakatala nang dokumento.

Isa sa mga maimpluwensiyang dokumento ay Ang Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist na ginanap sa London, Britanya noong 1689 (The 1689 London Baptist Confession of Faith). Ang mga sumusunod na pahina ay bunga ng pagsisikap na ito ay maisalin sa wikang Pilipino upang sa biyaya at awa ng Diyos, ay maisiwalat ang karunungang nananahan dito sa mga mananampa-latayang Pilipino.

Ang Pagpapahayag ng 1689 ay natapos noong 1677, nguni't inilantad lamang ito at inihayag noong maghari si William at Mary sa trono ng Inglatera at isabatas ang Act of Toleration. Sa pamamagitan nito, ang mga hindi sumasang-ayon (non-conformists) sa iglesia ng estado ay binigyan ng kalayaan sa kanilang pananampalataya. Nagkaroon ng pagkakataon na makapagpulong ang mga pangunahing pinuno at guro na Baptist at lagdaan Ang Pagpapahayag.

Isang hangad ng mga Baptist na may-akda ng Pagpapahayag ay ipakita ang kaisahan ng kanilang paniniwala sa malaking bahagi ng mga mananampalatayang Cristiano. Kung kaya't ang nakararaming nilalaman ng Pagpapahayag ay mga sipi sa ibang mahahalagang dokumento. Pangunahin na rito ay ang Westminster Confession of Faith ng 1647. Ang iba naman ay hinango mula sa Savoy Declaration ng 1658 at mula rin sa First London Baptist Confession ng 1644. Nguni't sa mga ilang bahagi ay hindi nangimi ang mga may-akda na gumawa ng mga orihinal na mga pangungusap na sa kanilang pananaw ay lalong malapit sa turo ng Salita ng Diyos. Sa ngayon, Ang Pagpapahayag na ito ay siyang ginagamit ng mga Reformed Baptist sa paglalahad ng kanilang paniniwala.

Sa pamamagitan ng saling ito ay inaasahan na may panalangin na bubuklatin at pag-aaralan ito ng mananampalatayang naghahangad ng matalinong pagkatalos sa Doktrinang Cristiano na hinango sa Bibliya. Nabubuhay tayo sa panahon na samantalang dumarami ang nag-aangkin ng karanasan ng kaligtasan ay lalong bumababaw ang pagkaunawa sa mga doktrina ng Bibliya. Sa maraming mga dako ay mayroong hinala, kundi man tahasang pagsalungat, sa sinumang magsisikap ng mas malalim na pag-aaral ng doktrina. Ang paningin ngayon ay sapat na ang mga pangangaral na may "inspirasyon"at "debosyon". Nguni't huwag tayong padaya sa ganitong pananaw. Ang paglagong Cristiano ay iniuugat sa pagkaunawa at pamumuhay ng doktrina ng Diyos (Juan 7:17; Ef. 4:14; 1 Juan 4:1).

Sa saling ito ay inilalagay sa ating wika ang mga doktrinang nagpaningas sa puso ng mga naunang mananampalataya. Ang mga doktrinang ito ay maaaring hindi tanggapin niyaong mga walang hangad na lumago bilang alagad.

Narito ang Doktrina ng Bibliya: "Ang Banal na Kasulatan lamang ang sapat, tiyak at di maaaring magkamali na tuntunin o pamantayan ng nagliligtas na kaalaman, pananampalataya o pagtalima ..." (Kab. 1.1)

Ang tungkol sa probidensiya ay lubhang kailangan ngayon sa ating panahon: "Sa Kanyang walang hanggang kapangyarihan at karunungan ay nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay. Siya rin ang umaalalay, namamatnugot, nangangasiwa at namamahala sa lahat ng ito may buhay man o wala, dakila man o munti. Ito ang Kanyang probidensiya na sakdal sa karunungan at kabanalan, at sumasang-ayon sa Kanyang di-nagkakamaling paunang kaalaman at sa malaya at di-nagbabagong kalooban ..." (Kab. 5.1)

Ang kalagayan ng tao ay tahasang inilalantad: "Gayon din mula sa kapanganakan ang lahat ng tao ay may masamang likas ... Dahil dito ang lahat ay sumailalim sa kapootan ng Diyos, mga alipin ng kasalanan at mga nasa ilalim ng kapangyarihan ng kamatayan ... " (Kab. 6.3)

Ngayong lubhang nakatuon sa tao ang pang-unawa ng kaligtasan, ang pagtatakda ng Diyos ay walang pangingiming inilalahad dito: "Ayon sa pagtatakdang nagtatanghal ng Kanyang kaluwalhatian, ang Diyos ay humirang ng mga tao at mga anghel sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Dito ay nahayag ang kapurihan ng Kanyang biyaya ... " (Kab. 3.3)

Sa mga nag-aangking Cristiano na nagwawalang-bahala sa kabanalan: "Ang mga kalakip ni Cristo, na mabisa at makapangyarihang tinawag at ipinanganak na muli, ay may bagong puso at bagong espiritu na nilikha sa kanila. Sa pamamagitan ng Kanyang Salita at Espiritu na nananahan sa kanila, ang gawain ng pagpapakabanal sa kanila ay nagpapatuloy ..." (Kab. 13.1)

Ang mga nabanggit na ito ay ilan lamang sa mahahalagang sangkap sa paniniwalang Cristiano na binigyang-diin sa Pagpapahayag. Nagpapatunay rin ito na hindi ito karaniwan sa naririnig na pangangaral. Ang mga may-akda ng Pagpapahayag ay naghangad lamang na hayaang ang turo ng Bibliya ay madama sa kaaliwan man o pagsumbat, sa pagpapala man o sa pagsaway. Ang tunay na alagad ay handang tumanggap; at sa pagtanggap ay naroon ang paglago.

Dapat bigyang diin dito na hindi ito kapalit ng seryosong pag-aaral mismo ng Bibliya. Ang Bibliya ay walang kapantay na dokumento. Sa lahat ng panahon, ang Bibliya ang dapat manaig at humubog ng ating pananampalataya. Anumang pangungusap sa Pagpapahayag na ito ay tatanggapin lamang kung ito ay buong linaw na pagtuturo ng Salita ng Diyos.

May laksa-laksang patotoo ng mga mananampalataya noon at sa kasalukuyan na nakasumpong ng karunungan at lalong masidhing katapatan sa Diyos mula sa Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689. Sana, sa iyong matapat at masusing pag-aaral ay maging karagdagan ka sa gayong patotoo.

 

`Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid,
Ito'y nagdudulot ng galak sa puso.
Ang mga utos ng Panginoon ay maningning,
nagdudulot ng liwanag sa mga mata.`

Awit 19:8

Noel A. Espinosa
August 1991
Los Ba�os, Philippines

 

Review: Baptist Roots in America


I recently read Samuel Waldron’s little booklet Baptist Roots in America: The Historical Background of Reformed Baptists in America (Simpson Publishing, 1991). Waldron wrote the book to provide a historical context for the rise of Reformed Baptist Churches in the last 30-40 years.

The booklet has three primary chapters and a conclusion:

I. The Rise of Particular Baptists in America.

His basic thesis is that the early Baptists (pre-1900) were Calvinistic (Reformed), coming out of the English Particular Baptists movement and the Great Awakening. Their guiding confession of faith was the Second London Baptist Confession (1689), a Baptistic revision of the Westminster Confession and the Savoy Declaration. This Confession was adopted (along with two extra articles) by Baptists in America in the influential Philadelphia Baptist Confession of 1742.

II. The Decline of Particular Baptists in America.

Next, Waldron asks, "What happened?" (p. 9). How did early Calvinistic Baptist churches become so doctrinally shallow and Arminian? Waldron traces seven major factors:

1. The American, Democratic Ethos.

"There was something in the political philosophy associated with the American Revolution which was profoundly antithetical to Calvinism. There was something in the Baptist alliance with the likes of Thomas Jefferson which did not bode well for the future" (p. 10).

2. Revivalism.

3. Methodism.

4. Inclusivism.

By this Waldron means an effort to downplay the doctrinal divide between Arminian ("free will") and Reformed Baptists.

5. Hyper-Calvinism.

The "Hard-shell" views of men like Daniel Parker (1781-1844) led to "passivism in the Christian life and the rejection of evangelistic effort" (p. 22), placing the doctrines of grace in a distorted light.

6. Modernism.

Liberalism began to creep in after the Civil War, and by the 20th century "it was a flood of heresy among Baptists" (p. 25).

7. The Fundamentalist movement.

Waldron notes three harmful tendencies here: (1) dangerous reduction of focus to a few "fundamentals" that downplayed doctrines of grace; (2) domination of Dispensational Premillenialism; (3) Kewick focus on "higher life," a modification of Wesleyan perfectionism rooted in "a Pelagianizing view of sin."

Some of the ill byproducts here included "Easy-believism" and the teaching of "Carnal Christian Theory" (p. 28).

III. The Rise of Reformed Baptists in America.

Waldron cites the popularity of the writings of C. H. Spurgeon and A. W. Pink; the founding of Westminster Seminary; and the Banner of Truth’s reprinting of Puritan literature as influences that have led to the contemporary reclamation of the Particular Baptist tradition in America.

IV. Concluding Observations.

Waldron closes by describing "the counter-cultural character of the Reformed Baptist movement in America" (p. 41).

He urges Baptists to beware the dangers of "anti-creedalism" which "opened the door to Arminianism and made it impossible to shut the door against Modernism" (p. 43).

He also warns against falling into "hyper-Calvinism": "The cult of five-pointism must be avoided" (p. 45).

Closing Reflection:

Waldron has given us some keen insights on understanding not just the state of Baptists in America but of evangelicalism in general. Every Virginia Baptist, in particular, should read this booklet. True to Waldron’s thesis, Calvinistic Virginia Baptists (born of the merger of Regular and Separate Baptists in the early 19th century) loosened their doctrinal convictions in the post Civil War era. One can clearly trace this if he goes back and reads the articles in the Religious Herald, the newspaper of Virginia Baptists. J. B. Jeter was the last Calvinistic editor of the Religious Herald. With the transition to R. H. Pitt a period of doctrinal decline was hastened. Pitt used the pages of the Herald, for example, to speak out against the adoption of the Baptist Faith and Message in 1925 (the SBC answer to the fundamentalist-modernist controversy). "Freedom" became more important than "purity." "Anti-creedalism" has led to liberalism.
JTR

 

 
Make a Free Website with Yola.